Abangan bukas! Pinakahuling Covid-19 Status ilalabas ng MoPH at MoCI


Nakatakdang magdaos ng Joint Press Conference ang Ministry of Public Health (MoPH) at ang Ministry of Commerce and Industry (MoCI) upang mag-ulat tungkol sa pinakahuling lagay at updates sa Covid-19 sa bansa, bukas (Miyerkules), alas 9:00 PM ng gabi, ayon sa Marsal Qatar.


Tinatayang marami pang restrictions ang iaanunsiyo upang ipatupad kaugnay pa rin sa pagtaas ng bilang nga mga kaso ng Covid-19. Mapapanood ang live telecast ng nasabing Joint Press Conference sa Qatar TV at Al Rayyan TV. Abangan!


Samantala, patuloy na hinihikayat ng Qabayan Radio ang lahat ng mga Filipino expats sa Qatar na sumunod sa mga alituntuning ipipapatupad ng pamahalaan ng Qatar kaugnay sa pag-iingat at pagsugpo sa Covid-19.



594 views0 comments

1/30

© 2020 Qabayan Radio 94.3 FM

TAGALOG CHANNEL W.L.L.

Web Design: Qabayan Web Development Team