top of page

COVID-19 PCR Tests, available at libre sa 28 PHCC health centers



Inanunsyo ng Ministry of Public Health (MoPH) na ang COVID-19 PCR tests ay available at libre sa lahat ng 28 PHCC health centers sa bansa.


Pinapayuhan nito ang lahat ng may nararamdamang sintomas ng COVID-19 na tumungo kaagad sa alinman sa mga health centers para sa PCR testing ng walang bayad, at iwasang makihalubilo sa iba habang hindi pa lumalabas ang resulta.


Dagdag pa ng MoPH, pwede ring mag-drive-through sa 14 health centers araw-araw, mula 4:00pm hanggang 10:00pm, sa mga sumusunod: Al Wakra, Al Thumama, Airport, West Bay, Abu Baker, Mesaimeer, Al Waab, Al Rayyan, Al Wajbah, Umm Salal, Gharafat Al Rayan, Qatar University, Leabaib, at Al Khor.


Ayon pa sa MoPH, ang mga PCR tests naman na kailangan para sa pagbyahe ay may bayad sa halagang QR160 bawat test.