COVID-19 vaccine, parating na!


Photo credit: BBC News

Ang pinakahihintay na bakuna laban sa Covid 19 ay inaasahang darating na sa Qatar ilang linggo na lang mula ngayon. Ang magandang balita ay mula sa pahayag ng isang senior health official.


Ayon kay Dr. Soha al-Bayat, Head ng Vaccination Unit, Health Protection and Communicable Disease Control Department ng Ministry of Public Health (MoPH), sa kanyang panayam sa isang local Arabic daily na Arrayah binanggit niya na abot kamay na ang bakuna at isa ang Qatar sa mga unang bansang makakakuha nito. Kampante silang ngayong buwan ng Disyembre ito darating o hindi hihigit sa unang buwan ng 2021.


Matatandaang nonng isang buwan, pumirma na ang Qatar sa isang agreement sa  kompanyang Pfizer-BioNTech at Moderna na siyang magdadala ng Covid-19 vaccine sa bansa.


Ayon pa kay Dr. al-Bayat, ang makukuhang bakuna ng Qatar ay nagpakita ng positibong resulta na mayroong higit sa 90% efficacy level base sa mga preliminary testing na isinagawa rito.

824 views0 comments

1/22

© 2020 Qabayan Radio 94.3 FM

TAGALOG CHANNEL W.L.L.

Web Design: Qabayan Web Development Team