Doha Metro, mas mahaba ang operating hours simula April 17 - May 5



Binago ng Doha Metro and Lusail Tram ang oras ng operasyon nito upang tiyakin na mas mahaba ang oras ng serbisyo lalo na sa gabi.


Ayon sa anunsiyo ng Qatar Rail, ang metro tram, metrolink, at metroexpress services ay bukas mula 2:00pm hanggang 1:00am tuwing Biyernes, samantalang sa ibang araw naman, ang mga ito ay bukas mula 6:00am hanggang 1:00am.


Ang nasabing pagbabago sa oras ng operasyon ay magsisimula na bukas, April 17, 2022 hanggang May 5, 2022.

1/9