ICYMI: Latest updates sa kaso ng COVID-19 sa Qatar


Naitala ng Ministry of Public Health (MoPH) ngayong araw ang 178 bagong kaso ng COVID-19, samantalang 208 katao naman ang nakarekober mula sa nasabing virus sa nakalipas na 24 oras. Sa ngayon ay umabot na sa 124,767 katao ang nakarekober sa sakit.


Sa 178 na bagong kaso, 168 nito ay community cases, samantalang 10 ang mula sa mga nagbyahe galing sa ibang bansa pabalik ng Qatar.


Lahat ng nasabing bagong kaso ay nasa isolation at kasalukuyang ginagamot at tumatanggap ng pangangalaga ayon sa lagay ng kanilang kalusugan.


Ang kabuoang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ay umabot na sa 127,778, samantalang nasa 2,792 naman ang bilang ng mga aktibong kaso na kasalukyang ginagamot. Nasa 219 katao naman ang namatay na sa bansa dahil sa nasabing virus.


Umabot sa 5,143 tests ang naisagawa ng MoPH sa nakalipas na 24 oras, samantalang ang kabuoang bilang ng tests ay nasa 825,511 na. May 29 kaso naman ng hospital admission sa nakalipas na 24 oras, samantalang nasa 361 ang kabuoang bilang ng mga pasyenteng nasa hospital.


Isang pasyente naman ang na-admit sa ICU dahil sa komplikasyon sanhi ng impeksiyon na dala ng virus, samantalang nasa 54 naman ang bilang ng mga kasong nasa ICU sa kasalukuyan.


Bagamat lumuluwag na ang restrictions, patuloy na hinihikayat ng awtoridad ang mga residente na sumunod sa mga pamamaraan upang makontrol ang pagkalat at pagkakahawa ng virus katulad ng mga sumusunod:

  • pagsunod sa social distancing

  • iwasan ang paglapit o pagtungo sa mga mataong lugar, o saradong lugar kung saan nagkakatipon ang maraming mga tao,

  • magsuot ng face mask

  • regular na maghugas ng kamay.


197 views1 comment

1/24

© 2020 Qabayan Radio 94.3 FM

TAGALOG CHANNEL W.L.L.

Web Design: Qabayan Web Development Team