Magiging mababa ang humidity at maalikabok ang hangin sa susunod na dalawang araw

Sa pinakahuling taya ng panahon na inilabas ng Qatar Meteorology Department (QMD), magiging kapansin-pansin ang pagbaba ng humidity sa susunod na dalawang araw.


Sa post nito sa Twitter nitong Miyerkules, sinabi nito na ang pagbaba ng humidity sa susunod na dalawang araw ay bunsod ng northwesterly wind na umiihip ng banayad hanggang sa malakas sa araw.


Dahil dito, inaasahan rin na magiging maalikabok at mababa ang visibility lalong lalo na sa mga open areas sa susunod na dalawang araw.


1/12