top of page

Mandatory isolation period at sick leave para sa confirmed COVID-19 cases ibinaba sa 7 days na lang



Sa post ng Ministry of Public Health (MoPH) sa kanilang website ngayong araw, sinabi nito na ang mandatory period para sa isolation at sick leave para sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ibinaba na lamang sa 7 araw, mula sa dating 10 araw.

Ang isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 test na ginawa sa medical facilities at kung saan ang Ehteraz ay nagkulay pula, ay awtomatikong magiging eligible para sa 7 araw na sick-leave, dahil na rin sa mandatory na isolation sa loob din ng 7 araw.


Ang mga nasabing indibidwal ay kailangang magkaroon ng rapid antigen test sa awtorisadong medical facility sa ika-pitong araw. Kapag ang resulta ay negative, ang kanyang Ehteraz status ay papalit sa green, at maaari na siyang lumabas sa kanyang isolation at bumalik sa trabaho sa ika-walong araw.


Samantala, kung positive ang resulta sa ika-pitong araw nyang rapid antigen test, ang nasabing indibidwal ay kailangang manatili sa kanyang isolation sa loob pa ng 3 araw, at bibigyan din ng 3 araw pa na sick leave, at maaari ng lumabas sa isolation sa ika-11 na araw, ng di na kakailanganin pang magkaroon ng panghuling test.

Sinabi pa ng MoPH na ang desisyon upang ibaba ang isolation period ay ginawa matapos ang pagsusuri sa pinakahuling lokal at internasyonal na mga clinical evidences na nagpapakita na karamihan sa mga taong nahawa ng COVID-19 ay magiging negative na ang resulta sa ika-7 araw, at maliit na rin ang tsansa na makahawa ng virus sa iba.


Binigyang diin din ng MoPH na kinakailangang sumunod ang mga tao sa itinakdang precautionary measures sa pagtatapos ng kanilang isolation period, kasama na rito ang patuloy na pagsusuot ng face mask, pagsunod sa social distancing, at palaging paghuhugas ng kamay.

0 comments

Comentarios


bottom of page