Ayon kay Dr. Soha Al Bayat, Head of Vaccination ng Ministry of Public Health (MoPH), hindi sapilitan ang pagpapabakuna at kapag naabot na ng Qatar ang kailangang porsyento ng mga taong nabakunahan na, ang mga matitirang taong hindi nabakunahan ay may parehong pribilehiyo sa mga nakatanggap ng bakuna.
Ang kaibahan nga lang, mas mahuhuli ang mga hindi nabakunahan na ma-e-enjoy ang mga pribilehiyo, dagdag pa ni Dr. Al Bayat.
"When we reach the sufficient percentage of the people receiving the vaccine, then those who did not receive the vaccine will enjoy the same privileges as that of the full vaccinated people. But the difference is that they will be late (in enjoying the privileges) until the percentage is reached," ito ang pahayag ni Dr. Al Bayat.
Dagdag pa nya, ang mga taong nakarekober sa COVID-19 infection ay maaaring makapag download ng Certificate of Immunity sa MoPH website at makaka-enjoy din ng parehong pribilehiyo gaya ng mga nabakunahan.
Maliit ang tsansa ng pagkalat ng nasabing virus kapag mas maraming mga tao ang nabakunahan, kaya't ang pagdami ng mga nabakanunahan na ay nagreresulta sa paghina ng virus, dagdag pa ni Dr. Al Bayat.
Ayon pa sa kanya, wala pa sa 1% ang bilang ng mga exempted sa bakuna at importante rin para sa mga nagkaroon ng sensitibong reaksyon sa bakuna na naging dahilan ng kanilang pagkaka-ospital dahil sa pagpapaturok ng bakuna.
コメント