top of page

Mga bakunado sa labas ng Qatar, maaaring mag-apply para magkaroon ng golden frame sa Ehteraz - MoPH

Updated: Feb 25, 2022


Sa bagong functionality ng Ehteraz Portal, maaari ng mag-apply ang mga residente o citizens ng Qatar na nabakunahan sa ibang bansa na maaprubahan ang kanilang bakuna at mag-reflect ito bilang golden frame sa kanilang mga Ehteraz app, ayon sa Ministry of Public Health (MoPH).


Ang mga COVID-19 vaccination certificates na uploaded sa portal ay sisiyasatin at susuriin ng MoPH, at tanging ang mga certificates na valid lamang ang tatanggapin at magre-reflect sa Ehteraz app.


Dagdag pa ng MoPH, ang mga bakuna sa ibang bansa ay may katulad na validity criteria na susundin, tulad ng mga nabakunahan sa Qatar at susunod din sa katulad na mga regulasyon at pribelihiyo para sa mga fully at conditionally approved na mga bakuna.


Samantala, nananatiling walang pagbabago sa proseso na ipinapatupad para sa mga bibisita sa Qatar at kailangang sumunod pa rin sa mga dating protocols para sa pagbyahe sa bansa.

0 comments

Comments


bottom of page