Mga Eskwelahan, magbubukas sa Agosto 29


Naglabas ng ministerial decision ang Minister of Education and Higher Education na si H.E. Dr. Mohammed bin Abdul Wahed Al Hammadi, upang amyendahan ang annual calendar ng mga paaralan.


Ayon sa naturang desisyon, ang pagpasok ng mga estudyante sa mga eskwelahan para sa Academic Year 2021-2022 ay magsisimula sa Agosto 29.


Samantala, ang mga empleyado naman ng mga eskwelahan para sa academic year 2021-2022 ay magsisimula sa Agosto 16.


Ang petsa para sa pangalawang yugto ng pagsusulit para sa lahat ng antas (1 to 12) para sa academic year 2020-21 ay magsisimula sa Agosto 18 at magpapatuloy hanggang Agosto 26.


Source: CNA

1/12