Mga kalsada malapit sa Al Thumama Stadium isasara para sa Amir Cup Final


Ayon sa paalala ng Supreme Committee for Delivery & Legacy sa ginanap na Press Conference ngayong araw, pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng mga kakalsadahan malapit sa Al Thumama Stadium para sa Amir Cup Final.


Unang isasara ito mula 2:00 AM ng October 15 hanggang 2:00AM ng October 16.


Samantala, ang pangalawang pagsara naman ay gagawin simula 4:00PM ng October 20 hanggang 11:59PM ng October 22.


Ang Al Thumama Stadium ang magiging lugar para sa Amir Cup Final sa October 22, at kasabay din nito ay pasisinayaan ang pang-anim na FIFA World Cup 2022 venue.



1/14