Mga residente sa Qatar maaaring tumanggap ng 10 bisita sa panahon ng FIFA Worldcup


Photo by Micha Brändli - https://unsplash.com/photos/JqVg3ZT99C4

Bawat isang tao na naninirahan sa Qatar ay maaaring tumanggap ng hanggang sampu (10) bisita - kamag-anak man o kaibigan sa pamamagitan ng pagrehistro ng kanilang mga datus sa official residence platform. Ito ang naging pahayag ni Mr. Saeed Al Kuwari, ang Executive Director ng Hayya Platform.


Ito ang naging pangunahing usapin sa press conference na ginanap noong May 26, sa Four Seasons Hotel sa harap ng mga lokal at international media personalities at satellite channels.


Ayon pa kay Al Kuwari, ang bilang ng mga regitered users ng nasabing platform ay laging updated, at nakatanggap na ito ng 3,000 requests sa araw ng pagkakalunsad nito. Dagdag pa nya, ang presyo ng mga accommodations ay nasa $80 hanggang $180 depende sa lokasyon at uri nito.