Nabakunahan ng 2 doses sa Qatar, umabot na ng 2 milyon


Maituturing na isang milestone achievement ng Qatar para sa National COVID-19 Vaccination Program nito, dahil umabot na sa 2 milyon ang bilang ng populasyong nakatanggap na ng kompleto o dalawang doses ng COVID-19 vaccine.


Sa post ng MoPH, nagpapasalamat ito sa lahat ng mga tumanggap ng bakuna. Pinapaalalahanan at inaanyayahan din ng MoPH ang mga iba pang hindi pa nakakatanggap ng bakuna na magpalista na para sa schedule ng kanilang vaccination.


Samantala, bilang isa sa may pinakamaraming expat population sa Qatar, nagpapasalamat ang Filipino community sa pamahalan ng Qatar para sa libre at maayos na serbisyo at sistema sa pagsugpo sa COVID-19, serbisyong medical, at program sa pagbabakuna.

1/9