Opisyal: 10-minute COVID-19 test ipapatupad ng Qatar


Doha. Isang mabilis na COVID-19 test na may kakayahang maglabas ng resulta sa loob ng 10 minuto lamang ang ipapatupad ng Qatar, ayon kay Dr, Enas Al Kuwari, Chair ng Department of Laboratory Medicine and Pathology sa Hamad Medical Corporation (HMC). Ayon pa sa kanya, bagamat mabilis, may mataas na accuracy ang resulta ng nasabing test.

Dr. Enas Al Kuwari, Chair of the Department of Laboratory Medicine and Pathology at HMC | Photo: MoPH Twitter

Ayon pa kay Dr. Enas, "Isinasagawa ang test sa pamamagitan ng pag-swab sa ilong upang masuri kung may antigens sa katawan at ilagay ito sa isang test card. Kadalasang ginagawa ang nasabing swab test sa mga taong may malinaw na sintomas tulad ng pag-ubo at lagnat. Itong pagsusuri ay kayang tumukoy sa virus sa loob ng unang linggo ng impeksiyon ng may accuracy na 97%."


“The test is done by taking a swab from the nose to check antigens in the body and then inserting them into a test card. This examination is usually done on people who have clear symptoms such as coughing and high temperature. This test can detect the virus during the first week of infection with an accuracy of 97 percent,” Dr Enas said.


Nagsimula na ang experimental phase ng paggamit ng mga devices sa pakikipagtulungan ng ibang HMC Departments. Sa ganitong paraan, hindi na kailangang ilipat ang mga samples sa laboratory dahil ang mga naturang devices ay kaya ng maglabas ng resulta. Makakatulong ito upang mabigyan ng mabilis na paggamot at pag-alaga ang mga pasyente.


Dagdag pa ni Dr. Enas, ang manual at mabilis na antigen examination ay nasuri at aprobado na, at sa mabilis na panahon ay gagamitin na sa Qatar ng mga specialised healthcare providers sa mga kasong may sintomas o katulad na sintomas ng coronavirus infection .

211 views

1/24

© 2020 Qabayan Radio 94.3 FM

TAGALOG CHANNEL W.L.L.

Web Design: Qabayan Web Development Team