Pacquiao: Pulitiko ako, sanay na ako sa pabago-bagong sitwasyon


Walang problema si Senador-boxing champ Manny Pacquiao sa last-minute na pagbabago sa kanyang training bunsod ng pag-ayaw ni Spence sa laban dahil sa eye injury nito, at paghahanda naman para sa pumalit na WBA welterweight champion Yordenis Ugas.


Gaganapin ang kanilang laban nitong darating na August 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.


Nakatakda sanang kalabanin ni Pacquiao ang WBC, IBF welterweight champion na si Errol Spence Jr. ngunit nitong nakalipas na Martes, nagkaroon ito ng retinal tear, na naging dahilan upang mag withdraw ang huli sa nasabing laban. Na diskobre ang eye injury ni Spence sa ginawang pre-fight examination ng Nevada State Athletic Commission.


Nakatakda na ring sasabak si Ugas para sa undercard laban kay Fabian Maidana, na nagwithdraw din nitong linggo dahil naman sa injury na natamo sa sparring.


Halos 6 linggo rin ang ginugol ni Pacquiao para sa sparring at pagkakaroon ng stratehiya bilang paghahanda laban sa kaliwete, samantalang nakapag sparring naman sya sa loob ng 8 rounds laban sa mga right-handed fighters noong Martes, kung kaya't wala syang isyu sa pagkakaroon ng pagbabago sa magiging kalaban.


Aniya, “I am a politician. I am used to dealing with changing stances. For the first thirty seconds things looked a little odd in sparring, but I adjusted quickly, and it was business as usual. Naturally I am disappointed in the situation but thank God the tear in Errol’s retina was discovered before it could be damaged further. I join his family, friends, and fans and pray that he has a full and complete recovery.”


“As for Ugas, I am happy that he stepped up to replace Errol Spence. Ugas is a champion with a strong Cuban boxing background. This is a big fight, and we will give the fans an exciting show," dagdag pa ni Pacquiao.



1/12