Repatriation ng PH Government tuloy-tuloy

Umabot sa 312 Overseas Filipinos at 10 infants ang naiuwi nitong Huwebes ng gabi, 24 September 2020, sakay ng PAL chartered flight mula Doha patungong Manila na pinondohan ng PH Government, partikular ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pangatlo na ang nasabing chartered flight na napondohan ng DOLE, bagamat simula pa noong May 2020, ang Philippine Embassy at POLO sa Qatar ay nakapagpadala na ng kabuoang 10 chartered flights at dalawang special commercial flights sa tulong ng Philippine Airlines. Umabot na sa 3,753 ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipinos at 45 na infants ang naiuwi ng PH government mula sa Qatar sa patuloy na pagaasikaso ng PH Embassy at POLO-Doha, at sa pakikipagtulungan ng Qatari government, mga concerned nitong ahensiya at iba pang stakeholders.

18 views

1/18

© 2020 Qabayan Radio 94.3 FM

TAGALOG CHANNEL W.L.L.

Web Design: Qabayan Web Development Team