Ticket (QR Code) para sa Metrolink, kailangan na simula sa Lunes


Simula sa Lunes (April 11) ay kailangan mo na ang ticket upang makasakay sa Metrolink. Ang ticket (QR Code) ay maaaring ma-download naman ng libre gamit ang Karwa Bus app. Kapag nadownload ito, magagamit naman ito sa lahat ng byahe ng metrolink.


Paano ito ma-download?


  1. Mag install ng Karwa Bus app at mag sign-in.

  2. Bago sumakay sa metrolink bus ay magdownload ng e-ticket (piliin o pindutin ang 'Download an E-Ticket'.

  3. Piliin ang 'Metro Link QR Ticket'

  4. Matapos nito, lalabas ang iyong ticket sa iyong screen na golden QR Code.

  5. E scan ang ito sa ticket scanner o reader ng metrolink bus pagpasok o paglabas.

  6. Maaari mong ma-access ang iyong QR Code ticket sa swipeable home screen o kaya sa Card Management section ng iyong app.


1/9