Isinagawa ng Kaagapay ng Manggagawang Pilipino (KMP) sa pakikipagtulungan ng POLO OWWA at Bayanihan Qatar ang isang pagsasanay tungkol sa career enhancement program - job hunting skills para sa mga OFWs nitong nakaranng Biyernes sa Inspire Academy. Inorganisa ang pagsasanay sa pamumuno ni Mr. Bernardo Dijamco Jr, pangulo ng KMP na suportado naman ng iba pang mga opisyal at executive committees ng organisasyon.
Dinaluhan ang nasabing training ng mga 30 participants mula sa iba't ibang organisasyon sa ilalim ng Bayanihan Qatar.
Sa inspirational message ni Engr. Ressie Fos, tagapangulo ng Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksiyon ng Qatar (BMKQ), binigyang diin nito ang kahalagahan ng paglinang sa mga kakayahan at kaalaman lalo pa't mahigpit umano ang kompetisyon ngayon sa merkado ng mga trabaho. Aniya, "mahirap maghanap ng trabaho dahil marami kang kalabang ibang aplikante sa iisang posisyon, kung kaya't napakalaking bagay ang alam natin kung papaano natin ihaharap ang ating mga sarili sa panimula pa lamang ng proseso katulad ng job interview. Higit sa lahat ay makita at mapatunayan sa atin ang ating mga competencies."
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe sa mga participants sina Mr Elmer Espiritu, PICPA Qatar Adviser at Engr. Jerry Ronquillo, tagapangulo ng Bayanihan Qatar.
Nagsilibing pangunahing tagapagturo sa nasabing pagsasanay si Mr. Alvin Guanzon, na nagbahagi ng mga kaalaman tungkol sa paggawa ng epktibong Curriculm Vitae o Resume, pagharap at pagsagot sa mga job interviews, at mga tips sa paghahanap ng trabaho.
Sa panghuling bahagi ng pagsasanay ay tinalakay ni Engr. Ronquillo ang mga proseso sa paglipat ng manggagawa sa ibang kumpanya, alinsunod sa ipinatutupad na bagong mga batas (Laws No. 18 & 19 of 2020).
Natapos ang programa dakong 3:00 PM sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Certificate of Participation. Masayang nagpasalamat ang mga participants sa KMP at mga opisyales nito maging sa mga resource speakers para sa bagong kaalaman na kanilang natutunan mula sa nasabing pagsasanay.
Nagpapasalamat din ang KMP sa POLO OWWA, Bayanihan Qatar at iba pang mga sponsors ng nasabing pagsasanay.
Kommentare