Inilunsad ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA) nitong Lunes, 24th May 2021, ang unang version ng 'Unified Platform for Complaints & Whistleblowers', na nagbibigay ng daan para sa mga manggagawa sa pribadong sektor, maging mga domestic workers, na maghain ng reklamo.
Ang nasabing unified platform ay nagbibigay daan din sa mga mamamayan at residente sa bansa na maghain ng reklamo para sa pangkalahatang paglabag sa labor law. Maaaring mabisita ang platform sa link na ito.
"It is an electronic platform through which citizens, expatriates and establishments can file a complaint against entities subject to the provisions of Qatar Labor Law No. 14 of 2004 and the Domestic Workers Law promulgated by Law No. 15 of 2017 or the entitles that the Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA) regulates their business," pahayag ng Ministry sa website nito.
Sa unang version ng nasabing platform, maaaring mag-apply ang user para sa: Firm Labor Complaint (Qatari/Non-Qatari) laban sa mga establisyemento, Domestic Workers Complaint laban sa mga employers - maghain ng reklamo o kaso ng paglabag. Maaaring e report ng user ang mga paglabag sa batas at pang-aabuso.
Maaaring ihain ang reklamo nang hindi na kailangang magpakilala ang nagrereklamo o user.
Download User Guide sa Wikang Filipino.
Comentários