top of page
Services (1)
Events (8)
Blog Posts (418)
Other Pages (19)
Forum Posts (32)
Filter by
Type
Category
32 results found with an empty search
- Job Vacancies: Urgent RequirementIn Jobs & ServicesMarch 21, 2025Sounds like a great opportunity for experienced engineers, especially those with road project expertise in Qatar. Best of luck to all the applicants! 👍 If you’re looking for a job in Canada, feel free to connect with Pest Control Kanata Ottawa.00
- Maaari po bang dalhin ng employer ang Domestic Worker sa ibang bansa para doon magtrabaho?In Qatar Labor LawJanuary 3, 2021Maraming salamat po sa impormasyong ito.00
- Welcome!In GeneralAugust 4, 2022Thanks much00
- Gratuity at Annual LeaveIn Qatar Labor Law·November 19, 2020Marami pa rin ang nalilito ang pang-unawa sa tinatawag na 'gratuity' o end of service compensation, at sa annual leave. Ang pagkalito, 'anila, ang gratuity diumano ay 21 days bawat taon sa unang taon hanggang limang taon, at magiging 28 days o isang buwan ito kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon sa kompanya. Mali po ang ganyang pag-intindi. Ang totoo nyan, ang ganyang pang-unawa sa probisyon ay napapaloob sa lumang labor law (Law No. 03 of 1962). Sa lumang batas na yan, ang end of service compensation kung tutuusin ay apat na klase, alinsunod sa Chapter 4, Section 24/25: three weeks kapag ang mangagagawa ay naka-kompleto ng 1 - 5 years sa kompanya four weeks kapag ang manggagawa ay naka-kompleto ng lampas sa 5 hanggang 10 taon. five weeks naman sa susunod na 10 pang taon, at six weeks sa susunod pang 20 taon. Subalit ang mga nasabing mga probisyon ay na-supersede na ng probisyon ng bagong Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), Article 53. Sa bagong batas na ito, ang gratuity o end-of-service compensation ay nakatakda sa basic wage sa loob ng three weeks (21 days) bawat taon, kapag ang manggagawa ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya. Hindi na po rito tinukoy na tataas ito sa four weeks, five weeks o six weeks kapag ang manggagawa ay naka kompleto ng 5, 10 at 20 na taon sa kompanya. Samakatuwid, ang isang mangagagawa ay entitled na o dapat ng makatanggap ng gratuity kapag sya ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya equivalent sa minimum na three weeks o 21 days basic wage kada taon. Take note din na minimum po ang pinag-uusapan dito. Samakatuwid, ang kompanya ay maaaring magbigay ng mas higit pa. Ibang usapin naman sa annual leave. Ayon sa Article 79 ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho ng ng at least isang taon sa kompanya ay entitled na ito sa bayad (may sweldo pa rin) na taunang bakasyon (paid annual leave) na katumbas sa three (3) weeks kapag nakakompleto sya ng isa hanggang limang (5) taon, samantalang magiging katumbas ito ng four weeks (28 days) kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon. Bagama't taunan o every year dapat ang annual leave (kaya nga 'annual'), may karapatang magpasya ang mga employers kung kelan ang petsa ng pagbakasyon ng mga manggagawa alinsunod sa operational requirements ng kompanya. Pero hindi ito nangangahulugan na mawawala o mababalewala ang karapatan ng mga manggagawa na magbakasyon alinsunod sa probisyon ng labor law. Maaaring e monitize o e convert sa katumbas na halaga kapag hindi nagamit ang annual leave credits ng manggagawa. Sinasabi rin sa batas na dapat ibigay ng mga kompanya ang bayad sa manggagawa para sa kanyang taunang bakasyon bago pa man ito lumipad/umalis. para sa kanyang bakasyon. Kung meron po kayong mga kaugnay na mga katanungan ay maaari nyo pong e comment sa baba.001600
- Qatar National Minimum Wage LawIn Qatar Labor Law·March 22, 2021Nitong Sabado, March 20, 2021 ay tuluyan na ngang nagkabisa ang Law No. 17 of 2020, Determining Minimum Wage for Workers and Domestic Workers, o mas kilala sa tawag na Qatar National Minimum Wage Law, matapos itong mailathala sa National Gazette noong Setyembre 9, 2020. Samo't sari ang mga reaksiyon na ating narinig o nabasa mula sa ating mga kababayan, katulad ng, paano raw kung mataas na ang sweldo nila, e di mas ibababa pa? Ito po ay isang mali na pang-unawa, hindi po ganun 'yon. Ang layunin ng nasabing batas ay magtakda ng kontrol sa pinakamababa na sahod na dapat tanggapin ng mga manggagawa at hindi upang ibaba pa ang sahod na dati ng mataas. Halimbawa, kung ang dati mong sahod ay nasa QR800 lamang, ito po ay magiging isang paglabag sa batas kung ang itinatakda ng batas ay dapat hindi na bababa sa QR1,800 ang sahod (QR 1,000 - basic wage + QR500 (accommodation) + QR300 (food). O kaya, kung ang manggagawa ay pasasahurin ng mas mababa sa QR 1,800 kada buwan (inclusive of accommodation and food allowance), ito po ay magiging isang paglabag din sa batas. Maaari bang gamitin ng employer ang batas na ito upang ibaba ang sweldo ng manggagawa sa pinakamababang itinakda ng Law No. 17 of 2020? Of course not, Alalahanin po natin na ang taas o baba ng sweldo na ino-offer sa isang aplikante sa trabaho ay nakabase rin sa propesyon, experience, at kakayahan ng isang manggagawa. Para sa inyong mga tanong o komento, maaari nyo pong isulat sa post na ito, o kaya ay mag post mismo sa Qabayan Forum.00706
- Job Vacancy: Finance/Accounting AssistantIn Jobs & Services·December 26, 2020Qabayan Radio is looking for a Finance/Accounting Assistant Qualifications: Male or Female Degree in Accounting or Finance At least 4 years experience related to the job Excellent knowledge of MS Excel, Accounting Software especially QuickBooks, and other spreadsheet, database or reporting tools, and other MS Office applications Strong knowledge of accounting, bookkeeping, and budget management principles Good organisational skills Strong in English verbal and written communication. Arabic speaking/writing is an advantage Detail and output-oriented and can work under less supervision, yet can meet deadlines Multi-tasking with other related administrative tasks Preferably Filipino with transferable working visa as per ADLSA's transfer procedure If you are interested, please send your CV to hr@qabayanfm.com or you can apply by walking-in at Qabayan Radio Station/Office located at Building 44, Street 893, Zone 38, Unit 311, 3F, Al Difaaf Street, Al Sadd, Doha, Qatar.00200
- Magkano ba ang sweldo kapag pinagtrabaho sa araw ng pahinga o holiday?In Qatar Labor Law·May 20, 2021Kadalasan, ito ang tanong ng ating mga kababayan lalo pa't katatapos lamang ang Eid holiday, kung saan ang nasabing tatlong araw ay dapat walang pasok sa mga pampubliko o pribadong tanggapan, Ang tanong, magkano daw ba dapat ang bayad o sweldo kapag ikaw ay pinagtrabaho pa rin sa araw ng iyong pahinga (Friday) o kaya ay mga non-working holidays? Ayon sa Article 75 ng Law No. 14 of 2004 o mas kilala sa tawag na Qatar Labor Law (as amended), ang mga manggagawa ay may karapatan para sa isang kompletong (24 consecutive hours) araw na pahinga, kadalasan ay Biyernes, maliban sa ibang mga manggagawa na may tinatawag na 'shift timings'. Pero, pinapayagan din ng nasabing artikulo na kung kinakailangan, maaaring pagtrabahuhin ng employer ang manggagawa kahit sa araw ng pahinga subalit kinakailangang tumbasan ng ibang araw ang araw na pahinga, at ang magiging bayad ng manggagawa sa nasabing araw ng pahinga ay may dagdag na hindi dapat bababa sa 150%. Halimbawa, kung ang sweldo ng manggagawa ay QR100 per day, kapag pinagtrabaho sya sa araw ng pahinga (o non-working day), ang magiging bayad o sweldo sa kanya sa araw na 'yun ay QR 100 + 150 = QR250 dapat. Samakatuwid, maliban sa dagdag na sweldo na hindi bababa sa 150%, bibigyan pa rin ng katumbas na bilang ng araw ang manggagawa para magpahinga. Sinasabi pa sa artikulo na bagamat maaari o pinapayagan ang mga employer na pagtrabahuhin sa araw ng pahinga ang mga manggagawa, hindi ito dapat maging magkakasunod. Samantala, meron namang mga kategorya ng manggagawa na hindi saklaw ng nasabing artikulo. Alinsunod kasi sa Article 76 ng Qatar Labor Law, ang mga provisions ng Articles 73, 74, at 75 ay hindi sumasaklaw sa mga manggagawang nasa kategorya na trabaho tulad ng security guards at mga cleaners. Kung meron kang mga iba pang katanungan ay maaari mong e komento o kaya ay mag-post dito sa Qabayan Forum.001766
- Maaari bang kunin, o itago ng employer ang passport ng worker?In Qatar Labor Law·February 19, 2021Ito ang madalas na tanong ng ating mga kababayan na nababasa ko sa iba't ibang site o social media. Malinaw po ang sagot ng batas dyan, partikular sa Article 8 ng Law No. 21 of 2015 o mas kilala sa tawag sa wikang English na - a law that regulates the entry, exit and residency of expatriates, o tinatawag ring 'residency law' sa mas maikli pang tawag. Ang sinasabi ng Article 8 ng nasabing batas, bagamat kinakailangang kunin ng employer ang passport ng worker, pero ito ay sa layuning kaugnay sa pagproseso ng residency permit o renewal nito at kinakailangan nya (employer) na ibalik ito sa worker kapag natapos na ang proseso ng residency permit. Subalit may exception po ito, dahil sinasabi rin ng batas na 'maliban na lang kung ang worker ay nagpapahintulot sa employer sa pamamagitan ng isang sulat na pinapayagan ang employer na hawakan o itago ito para sa seguridad (safe keeping) at kinakailangan ding ibalik kaagad ng employer sa worker kung kukunin na ito ng worker. Maaaring mapatawan ng multa ang employer na nagtatago ng passports ng mga workers ng walang nakasulat na waiver o pahintulot ng mga workers sa halagang di lalagpas sa QR25,000. Meron ka bang mga tanong na nais mabigyang linaw? Maaari mong e comment o kaya ay mag-post ka dito sa Qabayan Forum. 😍00610
bottom of page