Apr 6, 20211 min

Health Card, di na kailangan para mabakunahan - MoPH

Ibinalita ng Ministry of Public Health (MoPH) na hindi na kailangan ang Health Card upang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Ministry, tiyakin lamang na sa oras ng vaccination appointment, ay may valid na QID at ang Ehteraz status ay berde (green).

Gayunpaman, inirerekomenda pa rin ng Ministry na kumuha ng Health Card upang maka-avail ng marami pang serbisyong medikal ng pamahalaan.

Read related news.

    5