Kamakailan ay naglabas ng paglilinaw ang ADLSA na kinakailangan ang kopya ng resignation letter para sa mga manggagawa na nais lumipat sa ibang kumpanya. Dahil dito, marami po tayong nababasa na mga katanungan tulad halimbawa ng, 'kung kailangan pa bang mag resign kapag patapos na ang kontrata?'
Kung patapos na po ang kontrata o kung ang iyong pag-alis sa kompanya ay dahil sa pagtatapos ng iyong kontra, hindi na po rito kailangan ang resignation. Logically, bakit ka pa magre-resign gayong tapos na pala kontrata mo?
Pero, kailangan pa rin na magbigay ng notice sa employer na nagsasabing hindi ka na interesadong e renew o e extend ito, alinsunod sa kailangang Notice Period na nakatakda sa Article 49 ng Law No. 14 of 2004 as amended.
Sinasabi rin sa batas na kung hindi na extend ang kontrata matapos mag expire ito, at tumuloy-tuloy pa rin ang pagtrabaho mo, ang nasabing kontrata ay awtomatikong renewed at magiging open-ended contract kung ito man dati ay fixed-term.
Kinakailangan mo lang mag resign o magsumite ng 'notice to terminate the work contract agreement' kung ang kontrata mo ay hindi pa tapos (ixed-term contract), o kaya ay ang klase ng iyong kontrata ay open-ended.