Maaaring kailanganin ng mga tao ang booster dose ng COVID-19 vaccine sa loob ng isang taon matapos kompletong maturuan ng bakuna. Ito ang pahayag ni Albert Bourla, CEO ng Pfizer - isa sa mga kompanyang nagdevelop ng bakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa ni Bourla, malamang na kailanganin din ng mga tao ang bakuna laban sa nasabing virus sa bawat taon.
"It is extremely important to suppress the pool of people that can be susceptible to the virus," pahayag ni Bourla sa CNBC's Bertha Coombs sa isang event kasama ang CVS Health. Mabisang sandata din umano ang bakuna laban sa mas nakakahawang variants ng nasabing virus.
Bagamat hindi pa sigurado ang mga researchers kung gaano tatagal ang bisa ng bakuna laban sa virus, kinumpirma naman ng Pfizer na ang kanilang bakuna ay mahigit 91% epektibo at nagpoprotekta laban sa COVID-19 at mahigit 95% epektibo naman laban sa malubhang karamdaman sa loob ng 6 na buwan, matapos ang pangalawang dose nito.
Samantala, ang Moderna vaccine na gumagamit ng katulad na teknolohiya sa Pfizer ay kumpirmado ring mabisa sa loob ng 6 na buwan, ulat pa ng CNBC.
Kommentare