top of page

50% ng out-patient appointments via telemedicine consultations - HMC



Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo ng Hamad Medical Corporation (HMC) ang pagbabago nito sa out-patient services kung saan, 50% nito ay idadaan sa telemedicine consultations, simula ngayong Linggo, 2 Jan 2022, samantalang 50% ang tatanggapin sa in-person consultations lamang.


Ang mga pasyenteng tatanggap ng telemedicine consultations ay hindi na kailangang tumungo sa hospital o clinic para sa kanilang appointment, kundi tatawagan lamang sila ng doktor sa araw ng kanilang appointment.


Kung magdesisyon man ang doktor na kailangang dalhin ang pasyente sa hospital o clinic para sa in-person na consultation, aaregluhin ito ng doktor at tatawagan ng hospital o clinic ang pasyente.


Lahat ng pasilidad ng HMC ay nagpapatupad ng mahigpit na health and safety prevention protocols, at matatandaang may bagong visitors policy rin ang HMC na ipinapatupad upang maprotektahan ang mga pasyente, bisita at mga staff nito sa loob ng mga pasilidad.


Sinabi rin ng HMC na nananatiling operational ang mga emergency departments at Ambulance Service 24 oras sa bawat araw, at hinihikayat ang mga residente at publiko na gamitin lamang ang mga nasabing serbisyong para sa mga medical emergencies lamang.


Ang HMC Virtual Urgent Care Service ay available para suportahan ang mga pasyenteng may minor o non-life threatening conditions lamang sa pamamagitan ng pagtawag sa 16000 mula 7:00am hanggang 3:00pm, Linggo hanggang Huwebes lamang.


0 comments

Comments


bottom of page