
Isang maganda balita para sa lahat, kung sakaling makuha na ng Pfizer at BioNtech ang lahat ng kinakailangang approval para maisapubliko na ang bakuna, isa ang Qatar sa mga unang makakuha nito sa katapusan ng taon o sa unang buwan ng susunod na taon. Ito ay ayon sa isang senior health official.
Sa isang pahayag ni Dr. Abdullatif Al Khal, Chairman ng National Health Strategic Group sa COVID-19 at Head ng Infectious Diseases ng Hamad Medical Corporation, sinabi nitong, “We have been working with Pfizer and BioNTech since the summer and they are confident that if their vaccine gets the necessary regulatory approval Qatar will be able to receive an initial quantity of vaccines by the end of this year or very early in 2021.”