Kamakailan lang, inanunsyo ng Qatar na ang lahat ng residente nitong babiyahe pabalik ng bansa ay agarang magkakaroon ng exceptional entry permit. Maaaring i-print ng babiyahe ang permit mula sa website ng Ministry of Interior (MoI) bago sila bumalik imbes na mag-apply pa sa Qatar Portal website. Ito ay ipinatupad noong Nobyembre 29, pero hindi kasali rito ang mga residente na nasa labas na ng Qatar bago pa ito maipatupad. Kailangan pa rin nilang mag-apply nito sa Qatar Portal website.
Kung kayo ay lalabas papunta sa ibang bansa, ito ang mga proseso para magkaroon kayo ng automatic exceptional entry permit:
Bisitahin ang Ministry of Interior na website (https://portal.moi.gov.qa/wps/portal/MOIInternet/services/inquiries)
Pindutin ang "Inquiries", tapos ang "Exit & Entry Permits at sa huli ang "Print Exceptional Return Permit"
Sulatan ng buong detalye at i-print ang exceptional entry permit.
Ayon sa Government Communications Office, ang quarantine period sa pagbalik sa Qatar ay isang linggo kahit saan pa ito nanggaling. Home quarantine sa mga galing sa bansang nasa Ministry of Public Health’s Green List. Hotel quarantine naman ay mandatory sa mga galing sa bansa na wala sa listahan ng Ministry. Dalawang linggo naman ang itatagal ng quarantine period para sa mga taong nasa shared facilities. Ang desisyong ito ay base sa national at international epidemiology statistics.
Dahil sa mga pagbabagong ito, kinakailangan ang Coronavirus (COVID-19) test para sa mga babalik ng bansa paglapag nila sa Qatar kung hindi pa sila nakakapagpa-test sa loob ng 48 oras sa mga accredited COVID-19 Testing Centers. Makalipas ang ang anim na araw, pangalawang test ang isasagawa sa kanila. Ang status sa kanilang Ehteraz ay mananatiling dilaw matapos ang ikapitong araw mula sa kanilang pagdating.
Para sa karagdagang detalye at impormasyon bisitahin ang Coronavirus (COVID-19) page ng Ministry of Public Health’s website - https://www.moph.gov.qa/english/Pages/default.aspx
Yorumlar