Pagre-report ng ‘Absconding Case’ malapit ng tanggalin


Para masigurong maprotekhan ang karapatan ng mga manggagawa sa Qatar, isang ministerial decision ang inaasahang ilalabas para tuluyan ng matanggal ang kasalukuyang batas sa “reporting of absconding workers” (Balag Al Horob) o iyong mga empleyadong tumakas sa kanilang mga pinagtatrabahuhang kompanya.


We are working with the Ministry of Interior to cancel the system for reporting runaway workers,” ito ang pahayag ni Assistant Undersecretary for Labour Affairs at the Ministry of Administrative Development, Labour and Social Affairs (MADLSA), H E Mohamed Hassan Al Obaidli sa kanyang webinar address na pinamagatang, ‘Labour Reforms in Qatar: A Virtual Panel Discussion of Effective Implementation’ na inorganisa ng Ministry at ng Embassy of Canada kahapon kung saan naging moderator si Houtan Homayounpour, Head of International Labour Organization (ILO) Office ng Qatar.


Ayon kay Al Obaidli, hindi na maaaring magreport ng absconding workers ang mga employers. Ang maaari na lang nilang gawin ay sabihan ang kanilang mga empleyado na magbitiw sa trabaho para maiwasan ang mga pananagutang may kinalaman sa kanilang trabaho.


Sa pahayag na binigay ng Ministry, sinabi nitong iimbestigahan nila ang kasalukuyang sitwasyon ng mga absconding workers at aayusin ang kanilang mga problema ng naaayon sa batas. Maaari silang maghain ng reklamo o magpalit ng trabaho, ang mahalaga ay matuunan ng pansin ang karapatan ng mga sinasabing ‘runaway workers’ na ito. “The report for absconding worker will not affect their status at all,” dagdag pa ni Obaidli. Ayon pa sa kanya, isa itong malaking hakbang na ginawa ng Qatar sa pagrepaso ng mga labor laws nito katulad na lamang ng kanselahin nito ang pagbibigay ng no objection certificate (NOC) para makapagpalit ng bagong trabaho.


The new reform allowed workers to change their work organisations freely which is first of its kind in the Middle Eastern countries. We have cancelled the sponsorship system completely,” payahayag ni Obaidli.


Dagdag pa niya, kamakailan lang ay ipinatupad na ang non-discriminatory minimum wage sa buong Qatar sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya sa kanilang local at international partners at organisation katulad ng International Labour Organization (ILO) na may adbokasiya pagdating sa fair recruitment, at managing human trafficking.


The reforms are being taken under Qatar National Vision (2030) which aims at converting Qatar into an advanced country enabling to achieve sustainable development goals and provide decent life to Qatari citizens and those expatriates living in the country,” sabi ni Obaidli.


Para masigurong nasa tamang direksyon, tutok daw ang Ministry na ipatupad ang mga bagong reporma para protektahan ang karapatan ng mga manggagawa at maibigay ang pinakamaayos na working environment sa mga ito na aprobado sa international standards.


The reforms aim at making suitable work environment to attract expatriate workers in Qatar, foreign investments and companies,” sabi ni Obaidli. Ayon pa sa kanya, ang huling dalawang reporma sa pagtanggal ng NOC at sponsorship ay magbibigay-daan sa pagbabago sa job market ngayon. “Now the market has become more competitive. The companies operating in Qatar can also benefit from easy transfer of the workforce,” pahayag ni Obaidli.


Dagdag pa ni Obaidli, ang pagpapalit ng trabaho ay sasailalim sa ilang pamantayan katulad ng notifying at serving notice period base sa kontrata- isang buwang notice period kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho ng hindi bababa sa dalawang taon, at dalawang buwan naman para sa higit dawalang taon.


To safeguard workers’ rights, we have started classifying companies according to their adherence to labor law. The companies which are complying to the laws, wage protection system, and cooperating with the Ministry are being provided faster services with easy procedures by the Ministry,” ayon kay Obaidli.


Bukod pa sa mga nabanggit, ipinagmalaki rin ni Obaidli na lalong naghigpit ang Ministry sa pagpapatupad ng parusa sa mga kompanyang hindi nagbabayad sa kanilang mga empleyado at sinigurong ipapasara at ilalagay sa blacklist ang mga pasaway na kompanyang ito.


The Ministry in cooperation with international organisations started taking actions to curb human trafficking. First verdict will be issued soon to convict people in a case of human trafficking pertaining to immoral activities. In addition to other cases for trading visas and exploiting workers which are also under the procedure,” ayon pa kay Obaidli.


Ayon kay Ambassador of Canada to Qatar, H E Stefanie McCollum, mahalaga ang kasalukuyang labor reforms sa Qatar dahil karamihan sa mga kompanyang galing sa kanilang bansa ay nagnenegosyo sa Qatar na nasa field ng education, healthcare, infrastructure, energy, legal services and communications.


Reforms are also important because Canadians are recruited in Qatar under labor law. About 9,000 Canadians work and live here with their families,” giit ni McCollum.


Iba naman ang pahayag ni Chargé d’Affaires of US Embassy in Doha H E Ambassador Greta C. Holtz, “We intend to keep open the line of communications with embassies here in Doha, Ministry of Administrative Development, Labour and Social Affairs, and National Human Rights Committee,” dagdag pa ni Holtz.


Ilan pa sa nagbigay ng kanilang opinion ay si Legal Advisor at Qatar Chamber Abdul Rahman Solaiman, ayon sa kanya malaki ang gagampanang papel ng Qatar Chamber sa pagtatanggol sa karapatan ng mga pribadong kompanya at sektor para sa ikakaunlad ng kalakaran sa negosyo sa bansa.


Para kay Associate Editor and Director of Projects Migrant-Rights Organization, Vani Saraswathi, isang magandang hakbang ang pagtanggal sa exit permit at NOC para mapabilis ang mobility ng mga empleyado sa merkado.


These two are really promising steps. One of the strong point about NOC abolishing is that all can be done online – notice period to employer and apply for a new job which means that face to face interaction is removed,” pahayag ni Saraswathi.


Ayon kay Managing Director of Nelson Park and Board Member of the Canadian Business Council Qatar, Jeffrey Asselstine, ang mga labor reforms na ito ay may hatid na positive impact. “I think that online system for changing jobs will become more flexible and easier. That changes will bring great benefit for employees and employers as well as the system is being more flexible and transparent,” dagdag pa ni Asselstine.

284 views

1/24

© 2020 Qabayan Radio 94.3 FM

TAGALOG CHANNEL W.L.L.

Web Design: Qabayan Web Development Team