Doha, Qatar. Inilunsad na kahapon ang Music Video na pinamagatang 'Pilipino Ka: Gabay at Lingkod ng Mundo' na nilikha ng mga OFWs dito sa bansang Qatar at inihahandog sa mga OFWs sa buong mundo. Isang musika na nagpupugay sa mga Pilipino at nagbibigay ng pag-asa at paghimok upang magpatuloy sa paggawa ng mabuti, kahusayan sa mga trabaho, katatagan at pagkakaisa sa gitna ng mga matinding hamon sa buhay at sitwasyon, katulad na lamang ng COVID-19 pandemya.
Ang orihinal na komposisyon at musika ng nasabing awitin para sa mga OFWs ay nilikha ni Mr. Dexter Tumang, isa sa mga kilalang musikero dito sa Qatar. Ang mga mangaawit naman ay binuo ng mga talentadong OFWs sa Qatar sa larangan ng musika, at may special performance din ng isa sa mga anak ng Doha at popular na mangaawit na si Ms. Thea Astley.
Samantala, ang inisyatibo ng pagbuo at pagtupad sa nasabing proyekto ay pinangunahan ng Bayanihan Qatar sa ilalim ng paggabay nina Engr. Ressie Fos at Engr. Henry Dimaano ng HERO -Qatar, at Philippine Professional Organisation - Qatar (PPO-Q) sa pamumuno nina Chairmen Engr. Adonis Talabo at Mr. Cirio 'Serge' Caras, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Qatar sa pamumuno ni Labor Attaché David Des Dicang.
Ang Music Video ay sa direksiyon nina Mr. Janix Pacle at Mr. Oscar Yema.
Ang nasabing proyekto ay sinuportahan at nilahokan ng lahat ng mga Filipino community organisations sa Qatar mula sa iba't ibang sektor.
Naging matagumpay ang launching ng nasabing music video dahil na rin sa suporta ng UCC Holdings, isa sa mga popular at malaking constructing company dito sa bansa.
Comments