top of page

Qatar, isa sa mga nangungunang bansa sa pagbabakuna kontra COVID-19


Isa ang Qatar sa mga nangungunang bansa sa buong mundo sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa dami ng nabakunahan sa populasyon nito, ayon sa ulat ng Our World in Data vaccination tracker.


Pumapangalawa ang Qatar sa may pinakamataas na porsyento ng mga nabakunahan na ng at least first dose ng COVID-19 vaccine, samantalang panlima naman ito kung ang pagbabatayan ay taas ng porsyento ng populasyon na nabakunahan na ng kompletong dose ng COVID-19 vaccine, mula sa mga bansang may populasyong isang milyon pataas.


Matatandaang inanunsiyo ng MoPH nitong Linggo na 92.3% ng populasyon ng Qatar na maaari ng makatanggap ng bakuna (12 years old pataas) ang nakatanggap na ng at least first dose ng bakuna, samantalang nasa 80.6% naman ang nakatanggap na ng kompleto o dalawang doses ng COVID-19 vaccine.


Kung base naman sa kabuoang populasyon, nasa 80.1% na ang nakatanggap ng at least first dose ng bakuna, samantalang 69.9% naman ang nakatanggap na ng kompleto o dalawang doses ng bakuna.



0 comments

Comentarios


bottom of page