top of page
Forum Posts
Ressie
May 20, 2021
In Qatar Labor Law
Kadalasan, ito ang tanong ng ating mga kababayan lalo pa't katatapos lamang ang Eid holiday, kung saan ang nasabing tatlong araw ay dapat walang pasok sa mga pampubliko o pribadong tanggapan, Ang tanong, magkano daw ba dapat ang bayad o sweldo kapag ikaw ay pinagtrabaho pa rin sa araw ng iyong pahinga (Friday) o kaya ay mga non-working holidays?
Ayon sa Article 75 ng Law No. 14 of 2004 o mas kilala sa tawag na Qatar Labor Law (as amended), ang mga manggagawa ay may karapatan para sa isang kompletong (24 consecutive hours) araw na pahinga, kadalasan ay Biyernes, maliban sa ibang mga manggagawa na may tinatawag na 'shift timings'. Pero, pinapayagan din ng nasabing artikulo na kung kinakailangan, maaaring pagtrabahuhin ng employer ang manggagawa kahit sa araw ng pahinga subalit kinakailangang tumbasan ng ibang araw ang araw na pahinga, at ang magiging bayad ng manggagawa sa nasabing araw ng pahinga ay may dagdag na hindi dapat bababa sa 150%. Halimbawa, kung ang sweldo ng manggagawa ay QR100 per day, kapag pinagtrabaho sya sa araw ng pahinga (o non-working day), ang magiging bayad o sweldo sa kanya sa araw na 'yun ay QR 100 + 150 = QR250 dapat. Samakatuwid, maliban sa dagdag na sweldo na hindi bababa sa 150%, bibigyan pa rin ng katumbas na bilang ng araw ang manggagawa para magpahinga. Sinasabi pa sa artikulo na bagamat maaari o pinapayagan ang mga employer na pagtrabahuhin sa araw ng pahinga ang mga manggagawa, hindi ito dapat maging magkakasunod.
Samantala, meron namang mga kategorya ng manggagawa na hindi saklaw ng nasabing artikulo. Alinsunod kasi sa Article 76 ng Qatar Labor Law, ang mga provisions ng Articles 73, 74, at 75 ay hindi sumasaklaw sa mga manggagawang nasa kategorya na trabaho tulad ng security guards at mga cleaners. Kung meron kang mga iba pang katanungan ay maaari mong e komento o kaya ay mag-post dito sa Qabayan Forum.
0
0
1k
Ressie
Mar 22, 2021
In Qatar Labor Law
Nitong Sabado, March 20, 2021 ay tuluyan na ngang nagkabisa ang Law No. 17 of 2020, Determining Minimum Wage for Workers and Domestic Workers, o mas kilala sa tawag na Qatar National Minimum Wage Law, matapos itong mailathala sa National Gazette noong Setyembre 9, 2020. Samo't sari ang mga reaksiyon na ating narinig o nabasa mula sa ating mga kababayan, katulad ng, paano raw kung mataas na ang sweldo nila, e di mas ibababa pa? Ito po ay isang mali na pang-unawa, hindi po ganun 'yon. Ang layunin ng nasabing batas ay magtakda ng kontrol sa pinakamababa na sahod na dapat tanggapin ng mga manggagawa at hindi upang ibaba pa ang sahod na dati ng mataas. Halimbawa, kung ang dati mong sahod ay nasa QR800 lamang, ito po ay magiging isang paglabag sa batas kung ang itinatakda ng batas ay dapat hindi na bababa sa QR1,800 ang sahod (QR 1,000 - basic wage + QR500 (accommodation) + QR300 (food). O kaya, kung ang manggagawa ay pasasahurin ng mas mababa sa QR 1,800 kada buwan (inclusive of accommodation and food allowance), ito po ay magiging isang paglabag din sa batas. Maaari bang gamitin ng employer ang batas na ito upang ibaba ang sweldo ng manggagawa sa pinakamababang itinakda ng Law No. 17 of 2020? Of course not, Alalahanin po natin na ang taas o baba ng sweldo na ino-offer sa isang aplikante sa trabaho ay nakabase rin sa propesyon, experience, at kakayahan ng isang manggagawa. Para sa inyong mga tanong o komento, maaari nyo pong isulat sa post na ito, o kaya ay mag post mismo sa Qabayan Forum.
0
0
708
Ressie
Mar 05, 2021
In Qatar Labor Law
Isa sa magandang reporma na naisulong ng Qatar government ay ang pagkakapasa ng Law No. 15 of 22 August 2017 o mas kilala sa tawag na 'Domestic Workers Law' na nagtatakda para sa mga obligasyon, responsibilidad at mga karapatan ng parehong employer at domestic worker. Ilan sa mga ito ay ang karapatan ng domestic worker para sa kanyang maayos at akmang tirahan, health card, pagpapagamot, at pagkain sa bawat araw. Talakayin natin ang tatlo sa mga karapatang ito. Akomodasyon Ayon sa Section 7 ng Domestic Workers Law, sagot ng employer ang maayos at akma na tirahan ng domestic workers. Karapatan ng domestic worker ang makatanggap mula sa employer nang libre ng maluwag, maayos at akma na tirahan (akomodasyon) na kasya ang kanyang kama at cupboard. Dapat na malinis at ligtas ang tirahan. Kung sakaling may ibang kasama sa kwarto, dapat na ang higaan at mga gamit ng worker ay may privacy at ligtas ang mga ito. Kalusugan Ayon pa rin sa Section 7 ng Domestic Workers Law, obligasyon din ng employer ang pagpapagamot, gamot o medical equipment kapag ang domestic worker ay nagkasakit o nagkaroon ng injury o pinsala sa katawan dahil sa pagganap nito sa kanyang trabaho nang walang anumang bayad. Karapatan ng domestic worker ang maipagamot kung kaya't kung nagkasakit ito o hindi maganda ang pakiramdam ay dapat na masabi nito sa kanyang employer ang kanyang kalagayan upang madala kaagad ito sa health center o ospital upang maipagamot. Karapatan ng domestic worker ang magkaroon ng health card nang libre. Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa 999. Pagkain Ayon pa rin sa Section 7 ng Domestic Workers Law, sagot ng employer ang tamang pagkain ng domestic workers. Karapatan ng domestic worker ang makatanggap ng sapat na pagkain para sa pagpapanatili ng kalusugan nito. Karapatan ng domestic worker ang kumain ng hindi bababa sa tatlong (3) beses bawat araw. Kung kayo ay may mga tanong, maaari nyo pong e komento rito sa diskusyon na ito, o kaya ay mag post sa Qabayan Forum.
0
1
291
Ressie
Feb 19, 2021
In Qatar Labor Law
Ito ang madalas na tanong ng ating mga kababayan na nababasa ko sa iba't ibang site o social media. Malinaw po ang sagot ng batas dyan, partikular sa Article 8 ng Law No. 21 of 2015 o mas kilala sa tawag sa wikang English na - a law that regulates the entry, exit and residency of expatriates, o tinatawag ring 'residency law' sa mas maikli pang tawag. Ang sinasabi ng Article 8 ng nasabing batas, bagamat kinakailangang kunin ng employer ang passport ng worker, pero ito ay sa layuning kaugnay sa pagproseso ng residency permit o renewal nito at kinakailangan nya (employer) na ibalik ito sa worker kapag natapos na ang proseso ng residency permit. Subalit may exception po ito, dahil sinasabi rin ng batas na 'maliban na lang kung ang worker ay nagpapahintulot sa employer sa pamamagitan ng isang sulat na pinapayagan ang employer na hawakan o itago ito para sa seguridad (safe keeping) at kinakailangan ding ibalik kaagad ng employer sa worker kung kukunin na ito ng worker.
Maaaring mapatawan ng multa ang employer na nagtatago ng passports ng mga workers ng walang nakasulat na waiver o pahintulot ng mga workers sa halagang di lalagpas sa QR25,000. Meron ka bang mga tanong na nais mabigyang linaw? Maaari mong e comment o kaya ay mag-post ka dito sa Qabayan Forum. 😍
0
0
623
Ressie
Jan 12, 2021
In Jobs & Services
GEIC is urgently looking for the following, preferably with experience in Road Projects: Site Engineer (Drainage). BSC, BE, BTECH Engineering, 10 years of road experience including Qatar experience, overall of 7 years experience or more. Site Engineer (QA/QC). BSC, BE, BTECH Engineering, 7 years of road experience including Qatar experience, overall of 10 to 14 years experience or more. Planning Engineer. BSC, BE, BTECH Engineering, 7 years of road experience including Qatar experience, overall of 10 to 14 years experience or more. Safety Engineer. BSC, BE, BTECH in Engineering, 7 years of road experience require (GCC preferred), with overall 14-year experience. w/ Lead Auditor Safety Management, Certified OHSAS 18001/ISO 45001, Nebosh, and other related supporting documents. Work Inspector (Utilities/Drainage) with Technical Diploma, 5 yrs experience in road and overall 10 years after graduation. Work Inspector (Utilities) with Technical Diploma, 5 yrs in road projects and overall 10 years after graduation. Interested candidates are advised to send (mention in the subject 'position applied') their updated CV, educational credentials, work experience, and other supporting documents at m.cabogos@geicqatar.com. Preferred candidates who are locally available and shortlisted/qualified candidates shall be accommodated.
0
0
618
Ressie
Dec 31, 2020
In Qatar Labor Law
Ito rin ang madalas na tanong ng iba nating mga Qababayang nasa household service sector. Ang sagot po diyan ay 'depende'. Ayon sa Section 9 ng Law No. 15 of 22 Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law, ipinagbabawal sa employer na dalhin ang kanilang mga domestic worker sa labas ng bansa para doon magtrabaho nang walang pahintulot ng domestic worker. Ang ibig sabihin po nito, hindi pwedeng pilitin ng employer ang domestic worker na dalhin o ilabas ng bansa (Qatar) para doon sa ibang bansa magtrabaho kung ayaw po ng domestic worker. Pero kung pumayag naman po ang domestic worker, ito po ay pinapahintulutan ng batas. Kapag ito po ay nangyari o pinilit ng employer and domestic worker na isama sa labas ng bansa para doon magtrabaho, ito po ay sapat na dahilan para putulin na ng domestic worker ang kanyang work contract kahit hindi pa ito tapos, nang hindi mawawala ang kanyang karapatang tanggapin ang end-of-service bonus, at karapatan din nyang maiuwi sa Pilipinas sa gastos ng kanyang employer. Kung meron pa po kayong mga katanungan ay maaari nyo pong e post sa Forum na ito. Mag register lamang para magkaroon ng access sa Qabayan Forum upang makapagtanong o maka-komento sa mga posts na inyong nababasa. Isang manigong bagong taon sa lahat.
0
1
368
Ressie
Dec 25, 2020
In Qatar Labor Law
Marami po akong nababasang mga tanong ng mga kababayan nating nasa household service sector tungkol sa kanilang gratuity, o end of service bonus. 'Anila, sila ba ay may karapatan o entitled para tanggapin ito mula sa kanilang mga amo? Ang sagot, 'Opo'. Sila po ay entitled o may karapatang tanggapin ito kapag sila ay nakapagtrabaho na sa kanilang amo ng hindi bababa sa isang taon, alinsunod sa Section 15 ng Qatar Law No. 15 of Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law. Dati noong hindi pa naisasabatas ang Domestic Workers Law, ang usaping gratuity ay applicable lamang sa mga manggagawang saklaw ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), meaning hindi po kasama rito ang mga domestic workers. Ganun pa man, ang probisyon ng end of service bonus sa mga domestic workers kahit noong wala pang domestic workers law ay 'contractual' meaning dapat ito ay malinawag na nakasaad sa kontrata nya. Ang maganda noon, sa ilalim ng pagkakasunduan ng pamahalaan ng Qatar at Pilipinas, ang usaping ito ay tinitiyak ng ating POLO/PEOA sa mga kontrata para sa mga domestic workers, kasama ang standard minimum wage na 400 USD.
Ngayon, simula ng ipatupad ng pamahalaan ng Qatar and Domestic Workers Law (Law No. 15 of Aug 2017), ang end of service bonus ay nakatakda na, which means na dapat ito ay tuparin ng mga employers sa kanilang mga domestic workers. Kung meron pa po kayong mga katanungan, maaari nyo pong e-komento rito sa post, o mag post ng tanong dito sa Qabayan Forum.
0
0
1k
Ressie
Nov 19, 2020
In Qatar Labor Law
Marami pa rin ang nalilito ang pang-unawa sa tinatawag na 'gratuity' o end of service compensation, at sa annual leave. Ang pagkalito, 'anila, ang gratuity diumano ay 21 days bawat taon sa unang taon hanggang limang taon, at magiging 28 days o isang buwan ito kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon sa kompanya. Mali po ang ganyang pag-intindi. Ang totoo nyan, ang ganyang pang-unawa sa probisyon ay napapaloob sa lumang labor law (Law No. 03 of 1962). Sa lumang batas na yan, ang end of service compensation kung tutuusin ay apat na klase, alinsunod sa Chapter 4, Section 24/25: three weeks kapag ang mangagagawa ay naka-kompleto ng 1 - 5 years sa kompanya four weeks kapag ang manggagawa ay naka-kompleto ng lampas sa 5 hanggang 10 taon. five weeks naman sa susunod na 10 pang taon, at six weeks sa susunod pang 20 taon. Subalit ang mga nasabing mga probisyon ay na-supersede na ng probisyon ng bagong Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), Article 53. Sa bagong batas na ito, ang gratuity o end-of-service compensation ay nakatakda sa basic wage sa loob ng three weeks (21 days) bawat taon, kapag ang manggagawa ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya. Hindi na po rito tinukoy na tataas ito sa four weeks, five weeks o six weeks kapag ang manggagawa ay naka kompleto ng 5, 10 at 20 na taon sa kompanya. Samakatuwid, ang isang mangagagawa ay entitled na o dapat ng makatanggap ng gratuity kapag sya ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya equivalent sa minimum na three weeks o 21 days basic wage kada taon. Take note din na minimum po ang pinag-uusapan dito. Samakatuwid, ang kompanya ay maaaring magbigay ng mas higit pa. Ibang usapin naman sa annual leave. Ayon sa Article 79 ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho ng ng at least isang taon sa kompanya ay entitled na ito sa bayad (may sweldo pa rin) na taunang bakasyon (paid annual leave) na katumbas sa three (3) weeks kapag nakakompleto sya ng isa hanggang limang (5) taon, samantalang magiging katumbas ito ng four weeks (28 days) kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon. Bagama't taunan o every year dapat ang annual leave (kaya nga 'annual'), may karapatang magpasya ang mga employers kung kelan ang petsa ng pagbakasyon ng mga manggagawa alinsunod sa operational requirements ng kompanya. Pero hindi ito nangangahulugan na mawawala o mababalewala ang karapatan ng mga manggagawa na magbakasyon alinsunod sa probisyon ng labor law. Maaaring e monitize o e convert sa katumbas na halaga kapag hindi nagamit ang annual leave credits ng manggagawa. Sinasabi rin sa batas na dapat ibigay ng mga kompanya ang bayad sa manggagawa para sa kanyang taunang bakasyon bago pa man ito lumipad/umalis. para sa kanyang bakasyon. Kung meron po kayong mga kaugnay na mga katanungan ay maaari nyo pong e comment sa baba.
0
0
1k
Ressie
Oct 16, 2020
In Qatar Labor Law
Sa unang post ko kaugnay sa paglipat ng isang manggagawa sa ibang kumpanya ng di na kakailanganin ang NOC alinsunod sa Qatar laws no. 18 and 19 of 2020, ay naipaliwanag ang mga prosesong dapat sundin ng mga manggagawa na nais lumipat sa ibang kumpanya. Tandaan po natin na ang paglipat sa ibang kumpanya ay nangangahulugan na meron kang natanggap ng Offer Letter, dahil kasama sa dapat mong ilagay sa Change Employer Form ay mga impormasyon tungkol sa iyong magiging bagong employer. Kung ikaw ay aalis sa kasalukuyan mong kumpanya na wala pa namang lilipatan o wala pa namang natatanggap na Offer Letter, ay tiyak na mare-reject lamang din ito ng kinauukulan. Ngayon, paano naman ang mga proseso na dapat sundin ng isang manggagawa na nais ng tapusin o putulin ang kanyang kontrata sa isang kumpanya para umuwi na, 'ika nga e mag exit na for good? Narito ang mga proseso: Mag download ng Leave Country Form sa website ng MADLSA (Click to Download). E fill-up at pirmahan ang nadownload na Leave Country Form. E submit ang form sa MADLSA online para sa kanilang pag-proseso. Hintayin ang confirmation ng MADLSA sa loob ng isang linggo matapos itong ma-submit, na nagtatakda ng notice period. Tandaan na lahat ng aplikasyon ay ayon sa mga terms and conditions na nilalabas ng MADLSA. Kung may mga isyu o problemang teknikal kaugnay sa nasabing mga proseso, maaaring tawagan ang MADLSA sa mga numerong 4028 8888, o kaya ay mag email sa support@ADLSA.gov.qa Meron ka pa bang karagdagang mga tanong? Maaari mong e comment dito.
2
1
524
Ressie
Oct 14, 2020
In Qatar Labor Law
Nitong Agosto 31, 2020 ay naglabas ng bagong batas ang Amir ng Qatar, HH Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani na kinabibilangan ng Law No. 18 of 2020) na nag-aamyenda sa kaukulang probisyon ng Law No. 14 of 2004 (Qatar Labor Law) at Law No. 19 of 2020 na nag-aamyenda sa mga kaukulang probisyon ng Law No. 21 of 2015 (Residency Law) - ang parehong batas ay nagbabalangkas ng mga probisyon at paraan para sa paglipat ng isang manggagawa sa ibang kumpanya na mas pinadali at tumatanggal sa tinatawag na No Objection Certificate (NOC). Nailathala ang mga nasabing batas sa Official Gazette noong Setyembre 9, 2020 at nagkabisa na isang araw matapos ang petsa ng pagkakalathala nito. Sa dating batas bago ang nasabing pag-amyenda, ang isang manggagawa ay makakalipat lamang sa ibang kumpanya ng di na kailangan ang NOC kung natapos na nito ang termino ng kanyang kontrata, o kaya ay ang paglipat nito ay desisyon mismo ng kinauukulan bilang resulta ng napatunayang pang-aabuso ng employer. Maraming mga OFWs sa Qatar ang maaaring may tanong o kaya ay hindi pa alam ang mga proseso na dapat gawin upang makalipat sa ibang kumpanya ng maayos at naaayon sa batas. Narito ang mga dapat gawin: Mag download ng Change Employer Form mula sa website ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA), fill-upan at pirmahan ito. Punan ang mga impormasyon tungkol sa sarili (Personal Info) na nasa bandang taas ng form, ang sa bandang baba naman ay mga impormasyon tungkol sa magiging bagong employer. Tiyakin na tama ang mga impormasyong iyong isusulat sa form. Papirmahan at palagyan ng stamp ang Form sa magiging bagong employer. Para naman sa mga kasambahay, hindi na kailangan ang computer card at stamp sa form. Mag login sa e-Services page ng MADLSA upang e submit itong Form (application). Tiyakin na tama ang impormasyong iyong isusulat sa online submission katulad ng iyong QID at mobile number na dapat nakapangalan ang simcard sa'yo. Hintayin ang confirmation ng MADLSA within one week, matapos nitong ma-proseso ang iyong application. Magsesend ito ng notification sa'yo at sa'yong current employer para sa notice period. Kung ang iyong application ay hindi kompleto, makakatanggap ka rin ng notification tungkol dito at kung ano pang mga impormasyon o dokyumento ang kailangan mong e submit. Sa puntong yan, ang mga susunod na proseso ay gagawin na ng iyong magiging bagong employer, tulad ng mga sumusunod: Kapag natapos na ang notice period, tutuloy na sa pagproseso ng employment contract ang iyong magiging bagong employer sa pamamagitan ng digital certification services ng MADLSA. Kapag tapos na ang certification ng employment contract, tutuloy na ang iyong magiging bagong employer sa MOI website o Metrash2 para sa pagproseso ng iyong tuluyang paglipat. Maaari nyo pong e comment ang inyong iba pang mga tanong at paglilinaw tungkol dito.
2
4
801
Ressie
Forum Moderator
More actions
bottom of page