top of page
Type
Category
21 items found for ""
- Mga Proseso sa Paglipat sa Ibang KumpanyaIn Qatar Labor Law·October 14, 2020Nitong Agosto 31, 2020 ay naglabas ng bagong batas ang Amir ng Qatar, HH Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani na kinabibilangan ng Law No. 18 of 2020) na nag-aamyenda sa kaukulang probisyon ng Law No. 14 of 2004 (Qatar Labor Law) at Law No. 19 of 2020 na nag-aamyenda sa mga kaukulang probisyon ng Law No. 21 of 2015 (Residency Law) - ang parehong batas ay nagbabalangkas ng mga probisyon at paraan para sa paglipat ng isang manggagawa sa ibang kumpanya na mas pinadali at tumatanggal sa tinatawag na No Objection Certificate (NOC). Nailathala ang mga nasabing batas sa Official Gazette noong Setyembre 9, 2020 at nagkabisa na isang araw matapos ang petsa ng pagkakalathala nito. Sa dating batas bago ang nasabing pag-amyenda, ang isang manggagawa ay makakalipat lamang sa ibang kumpanya ng di na kailangan ang NOC kung natapos na nito ang termino ng kanyang kontrata, o kaya ay ang paglipat nito ay desisyon mismo ng kinauukulan bilang resulta ng napatunayang pang-aabuso ng employer. Maraming mga OFWs sa Qatar ang maaaring may tanong o kaya ay hindi pa alam ang mga proseso na dapat gawin upang makalipat sa ibang kumpanya ng maayos at naaayon sa batas. Narito ang mga dapat gawin: Mag download ng Change Employer Form mula sa website ng Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA), fill-upan at pirmahan ito. Punan ang mga impormasyon tungkol sa sarili (Personal Info) na nasa bandang taas ng form, ang sa bandang baba naman ay mga impormasyon tungkol sa magiging bagong employer. Tiyakin na tama ang mga impormasyong iyong isusulat sa form. Papirmahan at palagyan ng stamp ang Form sa magiging bagong employer. Para naman sa mga kasambahay, hindi na kailangan ang computer card at stamp sa form. Mag login sa e-Services page ng MADLSA upang e submit itong Form (application). Tiyakin na tama ang impormasyong iyong isusulat sa online submission katulad ng iyong QID at mobile number na dapat nakapangalan ang simcard sa'yo. Hintayin ang confirmation ng MADLSA within one week, matapos nitong ma-proseso ang iyong application. Magsesend ito ng notification sa'yo at sa'yong current employer para sa notice period. Kung ang iyong application ay hindi kompleto, makakatanggap ka rin ng notification tungkol dito at kung ano pang mga impormasyon o dokyumento ang kailangan mong e submit. Sa puntong yan, ang mga susunod na proseso ay gagawin na ng iyong magiging bagong employer, tulad ng mga sumusunod: Kapag natapos na ang notice period, tutuloy na sa pagproseso ng employment contract ang iyong magiging bagong employer sa pamamagitan ng digital certification services ng MADLSA. Kapag tapos na ang certification ng employment contract, tutuloy na ang iyong magiging bagong employer sa MOI website o Metrash2 para sa pagproseso ng iyong tuluyang paglipat. Maaari nyo pong e comment ang inyong iba pang mga tanong at paglilinaw tungkol dito.24760
- Welcome!In General ·October 6, 2020It’s good to have you here. Thanks for being a part of Qabayan growing community. Feel free to start discussions and share what's on your mind. In this forum you can also add photos, videos, hashtags and more to your posts. But hey, your posts are strictly governed by forum rules and posting guidelines. Enjoy using the forum!21114
- Proseso sa pagtapos o pagputol sa kontrata para mag 'exit for good'In Qatar Labor Law·October 16, 2020Sa unang post ko kaugnay sa paglipat ng isang manggagawa sa ibang kumpanya ng di na kakailanganin ang NOC alinsunod sa Qatar laws no. 18 and 19 of 2020, ay naipaliwanag ang mga prosesong dapat sundin ng mga manggagawa na nais lumipat sa ibang kumpanya. Tandaan po natin na ang paglipat sa ibang kumpanya ay nangangahulugan na meron kang natanggap ng Offer Letter, dahil kasama sa dapat mong ilagay sa Change Employer Form ay mga impormasyon tungkol sa iyong magiging bagong employer. Kung ikaw ay aalis sa kasalukuyan mong kumpanya na wala pa namang lilipatan o wala pa namang natatanggap na Offer Letter, ay tiyak na mare-reject lamang din ito ng kinauukulan. Ngayon, paano naman ang mga proseso na dapat sundin ng isang manggagawa na nais ng tapusin o putulin ang kanyang kontrata sa isang kumpanya para umuwi na, 'ika nga e mag exit na for good? Narito ang mga proseso: Mag download ng Leave Country Form sa website ng MADLSA (Click to Download). E fill-up at pirmahan ang nadownload na Leave Country Form. E submit ang form sa MADLSA online para sa kanilang pag-proseso. Hintayin ang confirmation ng MADLSA sa loob ng isang linggo matapos itong ma-submit, na nagtatakda ng notice period. Tandaan na lahat ng aplikasyon ay ayon sa mga terms and conditions na nilalabas ng MADLSA. Kung may mga isyu o problemang teknikal kaugnay sa nasabing mga proseso, maaaring tawagan ang MADLSA sa mga numerong 4028 8888, o kaya ay mag email sa support@ADLSA.gov.qa Meron ka pa bang karagdagang mga tanong? Maaari mong e comment dito.21515
- Mga Proseso sa Paglipat sa Ibang KumpanyaIn Qatar Labor LawApril 22, 2021May katotohanan po bang nirebisa ang Qatar law na ito dahil inaalmahan ng mga empolyer dito sa Qatar?12
- Proseso sa pagtapos o pagputol sa kontrata para mag 'exit for good'In Qatar Labor LawOctober 31, 2020Again maraming salamat po for sharing such very important information. We will surely share this information to others. Thank you.20
- Dapat bang mag resign kung patapos na ang kontrata at ayaw mo ng magtuloy sa trabaho sa kompanya?In Qatar Labor Law·December 5, 2020Kamakailan ay naglabas ng paglilinaw ang ADLSA na kinakailangan ang kopya ng resignation letter para sa mga manggagawa na nais lumipat sa ibang kumpanya. Dahil dito, marami po tayong nababasa na mga katanungan tulad halimbawa ng, 'kung kailangan pa bang mag resign kapag patapos na ang kontrata?' Kung patapos na po ang kontrata o kung ang iyong pag-alis sa kompanya ay dahil sa pagtatapos ng iyong kontra, hindi na po rito kailangan ang resignation. Logically, bakit ka pa magre-resign gayong tapos na pala kontrata mo? Pero, kailangan pa rin na magbigay ng notice sa employer na nagsasabing hindi ka na interesadong e renew o e extend ito, alinsunod sa kailangang Notice Period na nakatakda sa Article 49 ng Law No. 14 of 2004 as amended. Sinasabi rin sa batas na kung hindi na extend ang kontrata matapos mag expire ito, at tumuloy-tuloy pa rin ang pagtrabaho mo, ang nasabing kontrata ay awtomatikong renewed at magiging open-ended contract kung ito man dati ay fixed-term. Kinakailangan mo lang mag resign o magsumite ng 'notice to terminate the work contract agreement' kung ang kontrata mo ay hindi pa tapos (ixed-term contract), o kaya ay ang klase ng iyong kontrata ay open-ended.201643
- Maaari po bang dalhin ng employer ang Domestic Worker sa ibang bansa para doon magtrabaho?In Qatar Labor Law·December 31, 2020Ito rin ang madalas na tanong ng iba nating mga Qababayang nasa household service sector. Ang sagot po diyan ay 'depende'. Ayon sa Section 9 ng Law No. 15 of 22 Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law, ipinagbabawal sa employer na dalhin ang kanilang mga domestic worker sa labas ng bansa para doon magtrabaho nang walang pahintulot ng domestic worker. Ang ibig sabihin po nito, hindi pwedeng pilitin ng employer ang domestic worker na dalhin o ilabas ng bansa (Qatar) para doon sa ibang bansa magtrabaho kung ayaw po ng domestic worker. Pero kung pumayag naman po ang domestic worker, ito po ay pinapahintulutan ng batas. Kapag ito po ay nangyari o pinilit ng employer and domestic worker na isama sa labas ng bansa para doon magtrabaho, ito po ay sapat na dahilan para putulin na ng domestic worker ang kanyang work contract kahit hindi pa ito tapos, nang hindi mawawala ang kanyang karapatang tanggapin ang end-of-service bonus, at karapatan din nyang maiuwi sa Pilipinas sa gastos ng kanyang employer. Kung meron pa po kayong mga katanungan ay maaari nyo pong e post sa Forum na ito. Mag register lamang para magkaroon ng access sa Qabayan Forum upang makapagtanong o maka-komento sa mga posts na inyong nababasa. Isang manigong bagong taon sa lahat.01353
- Mga Proseso sa Paglipat sa Ibang KumpanyaIn Qatar Labor LawApril 22, 2021Maraming salamat po...😊1
- Mga Proseso sa Paglipat sa Ibang KumpanyaIn Qatar Labor LawOctober 31, 2020Maraming salamat po for sharing such very important information. We will surely share this information to others. Thank you.10
- Mga Proseso sa Paglipat sa Ibang KumpanyaIn Qatar Labor LawApril 22, 2021Sa atin pong pagkakaalam ay wala namang revision na ginawa, bagkus naglabas lang ng mas detalyadong implementing guidelines nito.1
- Lost DogIn Lost & Found·October 22, 2021This Maltese White Dog with some brown spots especially on the tail and mouth, and black spot on the right ear, disappeared last night and until now has not come home. Mommy Maltese is nursing 5 puppies, and these puppies may lost their nursing mom if this dog has not returned home. This dog is last seen in Al Mansoura, Street 867, Building 38. Those who may be able to see it or is temporarily caring with it, please call/WhatsApp the following numbers: 3024 9380 or 3390 158500189
- End of Service Bonus ng mga Domestic WorkersIn Qatar Labor Law·December 25, 2020Marami po akong nababasang mga tanong ng mga kababayan nating nasa household service sector tungkol sa kanilang gratuity, o end of service bonus. 'Anila, sila ba ay may karapatan o entitled para tanggapin ito mula sa kanilang mga amo? Ang sagot, 'Opo'. Sila po ay entitled o may karapatang tanggapin ito kapag sila ay nakapagtrabaho na sa kanilang amo ng hindi bababa sa isang taon, alinsunod sa Section 15 ng Qatar Law No. 15 of Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law. Dati noong hindi pa naisasabatas ang Domestic Workers Law, ang usaping gratuity ay applicable lamang sa mga manggagawang saklaw ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), meaning hindi po kasama rito ang mga domestic workers. Ganun pa man, ang probisyon ng end of service bonus sa mga domestic workers kahit noong wala pang domestic workers law ay 'contractual' meaning dapat ito ay malinawag na nakasaad sa kontrata nya. Ang maganda noon, sa ilalim ng pagkakasunduan ng pamahalaan ng Qatar at Pilipinas, ang usaping ito ay tinitiyak ng ating POLO/PEOA sa mga kontrata para sa mga domestic workers, kasama ang standard minimum wage na 400 USD. Ngayon, simula ng ipatupad ng pamahalaan ng Qatar and Domestic Workers Law (Law No. 15 of Aug 2017), ang end of service bonus ay nakatakda na, which means na dapat ito ay tuparin ng mga employers sa kanilang mga domestic workers. Kung meron pa po kayong mga katanungan, maaari nyo pong e-komento rito sa post, o mag post ng tanong dito sa Qabayan Forum.001204
bottom of page