top of page
Type
Category
21 items found for ""
- End of Service Bonus ng mga Domestic WorkersIn Qatar Labor Law·December 25, 2020Marami po akong nababasang mga tanong ng mga kababayan nating nasa household service sector tungkol sa kanilang gratuity, o end of service bonus. 'Anila, sila ba ay may karapatan o entitled para tanggapin ito mula sa kanilang mga amo? Ang sagot, 'Opo'. Sila po ay entitled o may karapatang tanggapin ito kapag sila ay nakapagtrabaho na sa kanilang amo ng hindi bababa sa isang taon, alinsunod sa Section 15 ng Qatar Law No. 15 of Aug 2017 o mas kilala sa tawag na Qatar Domestic Workers Law. Dati noong hindi pa naisasabatas ang Domestic Workers Law, ang usaping gratuity ay applicable lamang sa mga manggagawang saklaw ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), meaning hindi po kasama rito ang mga domestic workers. Ganun pa man, ang probisyon ng end of service bonus sa mga domestic workers kahit noong wala pang domestic workers law ay 'contractual' meaning dapat ito ay malinawag na nakasaad sa kontrata nya. Ang maganda noon, sa ilalim ng pagkakasunduan ng pamahalaan ng Qatar at Pilipinas, ang usaping ito ay tinitiyak ng ating POLO/PEOA sa mga kontrata para sa mga domestic workers, kasama ang standard minimum wage na 400 USD. Ngayon, simula ng ipatupad ng pamahalaan ng Qatar and Domestic Workers Law (Law No. 15 of Aug 2017), ang end of service bonus ay nakatakda na, which means na dapat ito ay tuparin ng mga employers sa kanilang mga domestic workers. Kung meron pa po kayong mga katanungan, maaari nyo pong e-komento rito sa post, o mag post ng tanong dito sa Qabayan Forum.001204
- Maaari po bang dalhin ng employer ang Domestic Worker sa ibang bansa para doon magtrabaho?In Qatar Labor LawJanuary 3, 2021Maraming salamat po sa impormasyong ito.00
- Welcome!In GeneralAugust 4, 2022Thanks much00
- Job Vacancy: Finance/Accounting AssistantIn Jobs & Services·December 26, 2020Qabayan Radio is looking for a Finance/Accounting Assistant Qualifications: Male or Female Degree in Accounting or Finance At least 4 years experience related to the job Excellent knowledge of MS Excel, Accounting Software especially QuickBooks, and other spreadsheet, database or reporting tools, and other MS Office applications Strong knowledge of accounting, bookkeeping, and budget management principles Good organisational skills Strong in English verbal and written communication. Arabic speaking/writing is an advantage Detail and output-oriented and can work under less supervision, yet can meet deadlines Multi-tasking with other related administrative tasks Preferably Filipino with transferable working visa as per ADLSA's transfer procedure If you are interested, please send your CV to hr@qabayanfm.com or you can apply by walking-in at Qabayan Radio Station/Office located at Building 44, Street 893, Zone 38, Unit 311, 3F, Al Difaaf Street, Al Sadd, Doha, Qatar.00191
- Job Vacancies: Urgent RequirementIn Jobs & Services·January 12, 2021GEIC is urgently looking for the following, preferably with experience in Road Projects: Site Engineer (Drainage). BSC, BE, BTECH Engineering, 10 years of road experience including Qatar experience, overall of 7 years experience or more. Site Engineer (QA/QC). BSC, BE, BTECH Engineering, 7 years of road experience including Qatar experience, overall of 10 to 14 years experience or more. Planning Engineer. BSC, BE, BTECH Engineering, 7 years of road experience including Qatar experience, overall of 10 to 14 years experience or more. Safety Engineer. BSC, BE, BTECH in Engineering, 7 years of road experience require (GCC preferred), with overall 14-year experience. w/ Lead Auditor Safety Management, Certified OHSAS 18001/ISO 45001, Nebosh, and other related supporting documents. Work Inspector (Utilities/Drainage) with Technical Diploma, 5 yrs experience in road and overall 10 years after graduation. Work Inspector (Utilities) with Technical Diploma, 5 yrs in road projects and overall 10 years after graduation. Interested candidates are advised to send (mention in the subject 'position applied') their updated CV, educational credentials, work experience, and other supporting documents at m.cabogos@geicqatar.com. Preferred candidates who are locally available and shortlisted/qualified candidates shall be accommodated.00563
- Gratuity at Annual LeaveIn Qatar Labor Law·November 19, 2020Marami pa rin ang nalilito ang pang-unawa sa tinatawag na 'gratuity' o end of service compensation, at sa annual leave. Ang pagkalito, 'anila, ang gratuity diumano ay 21 days bawat taon sa unang taon hanggang limang taon, at magiging 28 days o isang buwan ito kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon sa kompanya. Mali po ang ganyang pag-intindi. Ang totoo nyan, ang ganyang pang-unawa sa probisyon ay napapaloob sa lumang labor law (Law No. 03 of 1962). Sa lumang batas na yan, ang end of service compensation kung tutuusin ay apat na klase, alinsunod sa Chapter 4, Section 24/25: three weeks kapag ang mangagagawa ay naka-kompleto ng 1 - 5 years sa kompanya four weeks kapag ang manggagawa ay naka-kompleto ng lampas sa 5 hanggang 10 taon. five weeks naman sa susunod na 10 pang taon, at six weeks sa susunod pang 20 taon. Subalit ang mga nasabing mga probisyon ay na-supersede na ng probisyon ng bagong Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), Article 53. Sa bagong batas na ito, ang gratuity o end-of-service compensation ay nakatakda sa basic wage sa loob ng three weeks (21 days) bawat taon, kapag ang manggagawa ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya. Hindi na po rito tinukoy na tataas ito sa four weeks, five weeks o six weeks kapag ang manggagawa ay naka kompleto ng 5, 10 at 20 na taon sa kompanya. Samakatuwid, ang isang mangagagawa ay entitled na o dapat ng makatanggap ng gratuity kapag sya ay nakakompleto ng at least 1 year ng pagtatrabaho sa kompanya equivalent sa minimum na three weeks o 21 days basic wage kada taon. Take note din na minimum po ang pinag-uusapan dito. Samakatuwid, ang kompanya ay maaaring magbigay ng mas higit pa. Ibang usapin naman sa annual leave. Ayon sa Article 79 ng Qatar Labor Law (Law No. 14 of 2004, as amended), kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho ng ng at least isang taon sa kompanya ay entitled na ito sa bayad (may sweldo pa rin) na taunang bakasyon (paid annual leave) na katumbas sa three (3) weeks kapag nakakompleto sya ng isa hanggang limang (5) taon, samantalang magiging katumbas ito ng four weeks (28 days) kapag ang manggagawa ay nakapagtrabaho na ng lampas sa limang taon. Bagama't taunan o every year dapat ang annual leave (kaya nga 'annual'), may karapatang magpasya ang mga employers kung kelan ang petsa ng pagbakasyon ng mga manggagawa alinsunod sa operational requirements ng kompanya. Pero hindi ito nangangahulugan na mawawala o mababalewala ang karapatan ng mga manggagawa na magbakasyon alinsunod sa probisyon ng labor law. Maaaring e monitize o e convert sa katumbas na halaga kapag hindi nagamit ang annual leave credits ng manggagawa. Sinasabi rin sa batas na dapat ibigay ng mga kompanya ang bayad sa manggagawa para sa kanyang taunang bakasyon bago pa man ito lumipad/umalis. para sa kanyang bakasyon. Kung meron po kayong mga kaugnay na mga katanungan ay maaari nyo pong e comment sa baba.001588
- Magkano ba ang sweldo kapag pinagtrabaho sa araw ng pahinga o holiday?In Qatar Labor Law·May 20, 2021Kadalasan, ito ang tanong ng ating mga kababayan lalo pa't katatapos lamang ang Eid holiday, kung saan ang nasabing tatlong araw ay dapat walang pasok sa mga pampubliko o pribadong tanggapan, Ang tanong, magkano daw ba dapat ang bayad o sweldo kapag ikaw ay pinagtrabaho pa rin sa araw ng iyong pahinga (Friday) o kaya ay mga non-working holidays? Ayon sa Article 75 ng Law No. 14 of 2004 o mas kilala sa tawag na Qatar Labor Law (as amended), ang mga manggagawa ay may karapatan para sa isang kompletong (24 consecutive hours) araw na pahinga, kadalasan ay Biyernes, maliban sa ibang mga manggagawa na may tinatawag na 'shift timings'. Pero, pinapayagan din ng nasabing artikulo na kung kinakailangan, maaaring pagtrabahuhin ng employer ang manggagawa kahit sa araw ng pahinga subalit kinakailangang tumbasan ng ibang araw ang araw na pahinga, at ang magiging bayad ng manggagawa sa nasabing araw ng pahinga ay may dagdag na hindi dapat bababa sa 150%. Halimbawa, kung ang sweldo ng manggagawa ay QR100 per day, kapag pinagtrabaho sya sa araw ng pahinga (o non-working day), ang magiging bayad o sweldo sa kanya sa araw na 'yun ay QR 100 + 150 = QR250 dapat. Samakatuwid, maliban sa dagdag na sweldo na hindi bababa sa 150%, bibigyan pa rin ng katumbas na bilang ng araw ang manggagawa para magpahinga. Sinasabi pa sa artikulo na bagamat maaari o pinapayagan ang mga employer na pagtrabahuhin sa araw ng pahinga ang mga manggagawa, hindi ito dapat maging magkakasunod. Samantala, meron namang mga kategorya ng manggagawa na hindi saklaw ng nasabing artikulo. Alinsunod kasi sa Article 76 ng Qatar Labor Law, ang mga provisions ng Articles 73, 74, at 75 ay hindi sumasaklaw sa mga manggagawang nasa kategorya na trabaho tulad ng security guards at mga cleaners. Kung meron kang mga iba pang katanungan ay maaari mong e komento o kaya ay mag-post dito sa Qabayan Forum.001747
- Karapatan ng mga Domestic WorkersIn Qatar Labor Law·March 5, 2021Isa sa magandang reporma na naisulong ng Qatar government ay ang pagkakapasa ng Law No. 15 of 22 August 2017 o mas kilala sa tawag na 'Domestic Workers Law' na nagtatakda para sa mga obligasyon, responsibilidad at mga karapatan ng parehong employer at domestic worker. Ilan sa mga ito ay ang karapatan ng domestic worker para sa kanyang maayos at akmang tirahan, health card, pagpapagamot, at pagkain sa bawat araw. Talakayin natin ang tatlo sa mga karapatang ito. Akomodasyon Ayon sa Section 7 ng Domestic Workers Law, sagot ng employer ang maayos at akma na tirahan ng domestic workers. Karapatan ng domestic worker ang makatanggap mula sa employer nang libre ng maluwag, maayos at akma na tirahan (akomodasyon) na kasya ang kanyang kama at cupboard. Dapat na malinis at ligtas ang tirahan. Kung sakaling may ibang kasama sa kwarto, dapat na ang higaan at mga gamit ng worker ay may privacy at ligtas ang mga ito. Kalusugan Ayon pa rin sa Section 7 ng Domestic Workers Law, obligasyon din ng employer ang pagpapagamot, gamot o medical equipment kapag ang domestic worker ay nagkasakit o nagkaroon ng injury o pinsala sa katawan dahil sa pagganap nito sa kanyang trabaho nang walang anumang bayad. Karapatan ng domestic worker ang maipagamot kung kaya't kung nagkasakit ito o hindi maganda ang pakiramdam ay dapat na masabi nito sa kanyang employer ang kanyang kalagayan upang madala kaagad ito sa health center o ospital upang maipagamot. Karapatan ng domestic worker ang magkaroon ng health card nang libre. Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa 999. Pagkain Ayon pa rin sa Section 7 ng Domestic Workers Law, sagot ng employer ang tamang pagkain ng domestic workers. Karapatan ng domestic worker ang makatanggap ng sapat na pagkain para sa pagpapanatili ng kalusugan nito. Karapatan ng domestic worker ang kumain ng hindi bababa sa tatlong (3) beses bawat araw. Kung kayo ay may mga tanong, maaari nyo pong e komento rito sa diskusyon na ito, o kaya ay mag post sa Qabayan Forum.00241
- Maaari bang kunin, o itago ng employer ang passport ng worker?In Qatar Labor Law·February 19, 2021Ito ang madalas na tanong ng ating mga kababayan na nababasa ko sa iba't ibang site o social media. Malinaw po ang sagot ng batas dyan, partikular sa Article 8 ng Law No. 21 of 2015 o mas kilala sa tawag sa wikang English na - a law that regulates the entry, exit and residency of expatriates, o tinatawag ring 'residency law' sa mas maikli pang tawag. Ang sinasabi ng Article 8 ng nasabing batas, bagamat kinakailangang kunin ng employer ang passport ng worker, pero ito ay sa layuning kaugnay sa pagproseso ng residency permit o renewal nito at kinakailangan nya (employer) na ibalik ito sa worker kapag natapos na ang proseso ng residency permit. Subalit may exception po ito, dahil sinasabi rin ng batas na 'maliban na lang kung ang worker ay nagpapahintulot sa employer sa pamamagitan ng isang sulat na pinapayagan ang employer na hawakan o itago ito para sa seguridad (safe keeping) at kinakailangan ding ibalik kaagad ng employer sa worker kung kukunin na ito ng worker. Maaaring mapatawan ng multa ang employer na nagtatago ng passports ng mga workers ng walang nakasulat na waiver o pahintulot ng mga workers sa halagang di lalagpas sa QR25,000. Meron ka bang mga tanong na nais mabigyang linaw? Maaari mong e comment o kaya ay mag-post ka dito sa Qabayan Forum. 😍00519
bottom of page